Ang gabi'y parang umaga,
Kung Ika'y kasama.
May liwanag sa dilim,
Nang Ika'y kapiling.
Takot mahulog noon,
Pero panatag na ngayon.
Kahit sa bingit ng kamatayan,
Di Kita ipagpapalit kailanman.
Ikaw ang buhay ko,
Di ako magpapatalo.
Ika'y aking gabay,
Ayokong sayo'y mawalay.
Ikaw ang dahilan,
Kung bakit ako patuloy lumalaban.
Pakiusap ko sa Iyo,
Manatili Ka sa puso ko.
Samahan Mo ako,
Kahit saan ako tutungo.
Sa araw-araw hanap ko,
Ang pag-ibig Mo. ❤
~ S.M.T.A
(07.26.20)