Biyernes, Nobyembre 13, 2015

Mahalin ang Diyos sa Salita at Kilos

  Sa aking mga kababata, mga kaibigan at mga kapatid kay Kristo, ako ay nasa inyong harapan upang ibahagi sa inyo ang isang gintong aral na aking natagpuan. Ito ay mula sa libro ni Juan 14:15 na ang sabi ay, “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.” Galing sa bersikulong ito ay nakakuha ako ng isang mahalagang ideya na “Kung mahal natin ang Diyos, sundin natin ang Kanyang utos.” Ito ang pangunahing ideya na gusto kong ilahad at ipaliwanag sa inyo ngayong hapon. Ako’y umaasa din na sana’y ito’y itanim sa ating puso’t isipan.
May kasabihan tayong, “Action speaks louder than words” na kung ating isalin pa sa Tagalog ay “Ang gawa ay mas higit pa sa salita.” Ngunit, subalit, datapwat, bakit tayong mga tao ay halos puro na lamang mga salita, wala naman sa gawa, puro lamang tayo pangako ngunit palagi namang pinapako. Dito sa mundong ibabaw ay marami ang nasirang kinabukasan at pangako ang may kagagawan. Pangako nga ba talaga’y ginawa upang paasahin ang tao sa wala?
Ngunit sa kabilang banda, ating makikita sa Bibliya ang isang Magandang Balita na may Diyos tayo na hindi nakakalimot sa Kanyang pangako. Inalay Niya ang Kanyang anak upang maging kabayaran sa ating mga kasalanan. Siya nga ay Diyos sa salita man at sa kilos. Si Hesus na ating Diyos ay isang pinakamagandang ihemplo upang tayo’y maging isang Kristyano na maisasabuhay ang kaisipan na, “Kung mahal natin ang Diyos, sundin natin ang Kanyang utos.”
                                                                                                                   -S.M.T.A.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento