Lunes, Agosto 27, 2018

Ika’y Kasama Ko


O Diyos na aking sinasamba,
Sa Iyo ako ay puno ng pag-asa,
Ikaw ang nagbigay lakas sa mahina kong kalooban.
Ikaw ang pumawi sa mga luha
Sa mga panahong pasan ang problema.

Sa Iyo ko natagpuan
Ang mga bagay na hindi mapunan ng mundong ibabaw.
Hindi ko mapigilang maawa sa iba,
Dahil Ikaw ang Diyos ng awa.

Masaya ako dahil Ikaw ay nasilayan
Sa pag-ibig mo, ang puso ko ay nalinisan.
Hangad kong magkaroon ng katiwasayan,
Upang ako’y marapat na mabilang sa Iyong kaanakan,
Ako man ay masawi dahil sa paglaban ko sa Iyo...

Panatag naman ako dahil sa langit, Ika’y kasama ko.
-S.M.T.A.
(2015)

Ang Butihing Pastol (Awit 23:1-6; Juan 10:1-11)



Sa panahon ng kagipitan,
Ang Panginoon ang malalapitan.
Tumutugon sa bawat pangangailangan,
Siya ang Diyos na walang pagkukulang.

Sa panahon ng panganib,
Walang kaba sa aking dibdib,
Siya ang aking Tagapagtanggol kailanpaman,
Laging saki’y nag-iiwas sa kapahamakan.

O Panginoon, Ika'y mabuti sa akin,
Buhay ko’y iniligtas sa alanganin.
Tinig mo’y siguradong didinggin,
 Ikaw ang Pastol na nagmamay-ari sa akin.

Sinuman ang magtangkang buhay ko’y kunin,
Ika’y laging handa na siya’y sagupain,
Ikaw ang Pastol na butihin,
Kusang i-aalay ang buhay para sa ‘kin.

~S.M.T.A
(2015)


#MingawPaMore


Sa halayo kaayo nga dapit,
Ang imong ngalan kanunay gisangpit.
Ug sa akong kasingkasing adunay kapait,
Labi na sa panahong ako nanamilit.

Angayan ba ako magbasol?
Akong hunahuna ug kasingkasing nahasol,
Sa akong pagkatulog kauban ang habol,
Nagdagayday ang mga luhang nagtibugol.

Oh! Mingaw pa more
Ang sangpit sa kasingkasing nga nag-roar.
Unsaon man nako pagmove-on?
Ganahan nako ma-restore...

-Group work
(2015)




I Know, I Love, I Cherish


I know a kid
Not a blood-related
He was already dead
Due to an accident happened.

I love the kid
So young to taste death
Yet I believe he’s now in heaven
Worshiping God and praising His name

I cherish the days
I was his teacher
Missing the smiles and wits of him
The kid I know, I love, I cherish

Here in my heart
There’s a longing inside
How I wish I saw him
On the day of his last breath.

-S.M.T.A.
(09/05/15)




Anak, Mag-aral Ka Muna



(Adaptation from Rizal’s poem:
Through Education Our Motherland Receives Light)

Bata pa lang ako, marami na akong mga pangarap sa buhay
Gusto kong matulungan sina Nanay at Tatay
Sabi nila, edukasyon daw ay makapagbibigay
Ng katuparan sa mga hangarin ko sa buhay
Sa lipunan di’y maibabahagi ang makakamit na tagumpay.

Kaya sa aking pag-aaral baon ko ang payo ng mga magulang
Subsob sa pag-aaral, upang marating ang buhay na inaasam-asam
Datapwat, dumating ang araw na ang payo ni Ama’t Ina’y nalimutan
Ang pagpapahalaga sa edukasyon ay pinagwalang-bahala na lamang
Ako ay nadala sa masamang impluwensya ng mga kaibigan.

Sa edad na dose, may dala ng bata sa sinapupunan
Ako ay nabuntis nang wala sa kapanahunan
Ama ng anak ko’y ewan ko ba kung nasaan
Edukasyon pa ay nadamay sa aking kagagahan
Ako ay naiwanan na puno ng pagsisi at pagdaramdam.

Sa tulong ng Diyos ako ay nabigyan ng pag-asa
Kalinga ni Ina at Ama ay pinabalik niya
Sila ang naging katuwang sa pagpapalaki ng anak na siyang bunga,
Sa aking pagtakwil sa edukasyon, Mga pangarap ko ba’y maaabot pa?
Kung ako sana’y nakinig sa payo ni Ina at Ama,

Na ang sabi’y, “Anak, mag-aral ka muna. . .”

-S.M.T.A.
(2015)
*Ang tulang ito ay isang kathang-isip lamang at hindi hango sa buhay ng isang tao.* 


O Mama ug Papa Nga Wa’y Sama



O, Mama ug Papa nako nga wa'y sama,
Nagdako ako nga puno sa inyong pag-amoma,
Bisan sa kaharuhay ug kasakit pa,
Nga atong naagi-an niining kalibutana,
Kamo nagpabilin nga mahigugmaon sa akoa..


Dili nako kayang masuklian,
Ang gibuhat ninyo nga mga kaayuhan,
Ug dili gayud mo nako makalimtan,
Bisan matigulang na kamo, ako gihapon mong paga-silbihan,
Wala ko'y igo nga rason nga kamo pagatalikdan.


Wala ko kahibalo unsa ang ako ikabalos kaninyo,
Ang ako nasayran lamang nga adunay Ginoo,
Nga maoy mopuno sa akong kakulangon diha kaninyo,
Dili man nako mabuhat ni mahatag ang tanan ninyo nga gusto,
Apan didto sa langit ako sigurado,
 Nga adunay dako nga ganti nga nagahulat kaninyo.


-S.M.T.A.
(2015)

Jealousy (script-writing)



Root: You are afraid of losing the love or friendship of someone special

           if that person pays attention to someone else.

Fruit: You become angry at your friend for not sharing his chocolates with you and shared it with his new friend instead.

Characters: Kokoy, Fritsy , Proot

Scene: Kokoy and Fritsy are playing hide-and-seek at Kokoy’s room. While they are playing, the doorbell rings. Ding-dong-ding-dong!!! Fritsy is hiding at that time inside the closet while Kokoy is about to search for him. But when he heard that the doorbell rings, he chooses to open it first. He then walks towards the door.

Proot: Knock! Knock!

Kokoy: Who’s there?

Proot: Proot.

Kokoy: Proot, who?

Proot: Unsay Proot??? Ablihi ko. Proot-prooton taka ron. (laughs so hard)

Kokoy: Ah...sorry...sorry. Okay I will open the door. Coming soon...

(Kokoy opens the door.)

Proot: Hey bro! What’s up?

Kokoy: Doing great. Get inside bro Proot!

Proot: Bro, I have heard that your mother arrived already from Saudi Slovakia....er...Saudi Arabia...Ahmmp...chocolate...(clears his throat).

Kokoy: Yes, we have lots of chocolates. I can give you some if you want.


(Kokoy and Proot go to the kitchen and eat chocolates. Fritsy then enters the kitchen and gets upset because Kokoy didn’t call him to eat with them. Kokoy forgot that they were playing hide-and-seek and Fritsy is hiding already inside the closet for 3 hours.)

(Fritsy gets out from the closet and see Kokoy and Proot eating in the kitchen. Fritsy then interrupts their happy eating.)

Fritsy: Excuse me Kokoy. (Fritsy is dripping with sweat.)

Kokoy: Oh, Fritsy! Where have you been? Have you taken a bath?

Fritsy: Have you forgotten that we were playing hide-and-seek and I’d been in your closet for three hours hiding without having somebody searching for me? And now you are eating chocolates with Proot without even inviting me.

Kokoy: What? Sorry Fritsy I forgot because my conversation with Proot is as sweet as chocolate, very yummy. Sa bisaya pa, naglami ang amo istorya. I am really sorry bro Fritz.

Fritsy: I don’t need your explanation. Don’t ever dare to call me ‘bro’ anymore. We are no longer friends. I better go home. Bye.

(Fritsy then walks away with jealousy in his heart and feels very frustrated of what had happened.)



* * *
Moral lesson: We should not be possessive to any possession we have right now. It could be toys, friends or any property. Instead, we must learn to share it to others so that they will be blessed and God will be pleased.

~ Group work (2015)



Pamilya Ko’y Bukas na Bibliya Mo



Ako si Shiela. Galing ako sa pamilya Anino. Sa aking pamilya makikita ko na masaya kami. Masaya kasi nakukuha namin ang gusto namin. Datapwat sa aking musmos na pag-iisip ay nadama ko na parang may kulang sa buhay namin bilang isang pamilya. Nagtatrabaho ang ama ko sa isang kompanya at ang ina ko naman ay isang kasambahay. Anim na taong gulang pa ako noon at ako ang bunso sa tatlong magkakapatid . Kahit bata pa lang ako ay natutuhan ko na kung gaano kaimportante ang magsimba. Sa tuwing araw ng linggo ay sabik na sabik akong maligo, magbihis, at magpunta sa simbahan. Nalulungkot ako kasi ako at ang ate ko lang na pangalawa ang palaging nagsisimba. Minsan lang magsimba ang aking ina, ang aking ama at ang panganay ko na Ate. Isang araw ay inimbitahan ko sila.

“Mama, magsimba na tayo,” paanyaya ko.

“Kayo na lang at ng isang kapatid mo anak kasi may gagawin pa ako dito sa bahay,” sagot ng aking ina.

“Ikaw, Papa, gusto mo bang magsimba kasama ni ate”, tanong ko naman kay Papa.

“Alam mo anak, ayokong magsimba sa Katoliko kasi hindi ako naniniwala sa tradisyon nila,” sagot naman ni Papa.

Sa aking kamusmusan ay hindi ko nakuha kung ano ang gustong sabihin ni Papa. Nasa unang baitang palang ako ay nadama ko na ang lungkot sa pamilya na hindi nagsasama sa pagsimba. At dumating ang araw na nagdasal ako sa Panginoon.

“Panginoon, sana po ay magsasama na kami sa pagsimba ng pamilya ko,” ang dasal ng anim na taong gulang na si Shiela.

Makalipas ang ilang mga buwan ay dininig din ng Panginoon ang dasal ko. Nagbakasyon ang tito kong Pastor sa aming bahay. Ang tito ang siyang ginamit ng Panginoon na maging instrumento upang magkaroon kami ng pagkakaisa na igalang ang Araw ng Linggo at ilaan ang araw na ito sa pampublikong pagsamba sa Panginoon. Lumipat kami sa ibang relihiyon kasi ang sabi ng Papa ko na kailangan daw naming maging bahagi sa isang simbahan kung saan tumatayo sa kung ano ang sinasabi sa Bibliya. Isang araw ay nakipag-usap ako sa Panginoon.

“Panginoon, kaya pala ayaw na magsimba nila sa Katoliko ng halos ng buong pamilya ko ay dahil pala sa kanilang paniniwala na kailangan pang dasalan ang mga santo para sila na ang magsasabi sa Iyo. Akala ko na okey lang humalik sa mga rebulto at larawan at lumuhod sa kanila. Talagang nagsisisi ako sa aking mga nagawang kasalanan,” dasal ko sa araw na iyon.

Mula sa araw na iyon ay naging totoong Kristyano na kami. Sinabi ko na totoo kasi para sa akin si Kristo ang aming sinasamba hindi na ang mga rebulto. At masayang-masaya na ako sa aking pamilya kasi sa tuwing sasapit na ang Linggo ay ito na ang mangyayari.

“Bangon na mga anak!!! Magsisimba na tayo, “gising ng Papa ko sa amin.

“Opo...saglit lang,”sambit ko naman.

“Ate Che-che! Ate Ai-ai! Bangon na tayo kasi magsisimba na daw,” gising ko naman sa dalawa kong panganay na magkakapatid.

“Mga anak, halina kayo at kakain na. Naghanda ako ng almusal para maaga tayo sa simbahan ,” tawag naman ni Mama sa amin.

“Halina kayo...”sabi naman ni Ate Che-che sa akin at ni Ate Ai-ai.

Pagkatapos ay nag-uunahan kami sa mesa. Kakain na sana kami pero may nakalimutan pala na importanteng gagawin bago kumain.

“Kailangan na muna nating mag-dasal, mga anak,” sabi ni Papa.

“Oo nga,, nakalimutan natin na magdasal muna sa Panginoon,” dugtong naman ni Mama.

“Ay, sori po!...,” sabay naming sagot ng magkakapatid.

“O sige, magdasal na tayo,” sabi ni Papa at iniyuko ang kanyang ulo.

“Papa, saglit lang. Gusto ko pong humingi ng pabor,”sambat ko naman.

“Ano iyon, anak?” sagot ni Papa.

“Okey lang po sa inyo na ako ang magdadasal?,” paghingi ko ng pabor sa aking pamilya.

“Marunong ka palang magdasal anak?”tanong ni Mama.

“Oo naman. Alam niyo po ba na palagi ko kayong dinadasal na sana ay gabayan kayo ng Panginoon?” pagpapatunay ko naman.

“Wow! Ang bait naman,” sabi ni Ate Ai-ai.

“Alam niyo bang dininig ng Panginoon ng isa sa mga dasal ko?” ang balita ko.

“Ano iyon?” tanong ni Ate Che-che.

“Ito ay ang magsasama-sama tayo sa na magsimba sa Panginoon lalo na sa Araw ng Linggo. Talagang napakasaya ko sa araw na ito kasi gumawa ang Panginoon ng paraan upang mabigyan ng katuparan ang matagal ko ng hinihintay,” halos mangiyak-ngiyak ko na pagkasabi.

“Salamat anak, o sige na magdasal ka na para sa pagkain natin,” putol ng aking ina sa aking pagsasalita na may galak sa mukha.

“O sige po...Panginoon, salamat sa ibinigay na araw na ito. Salamat sa mga biyayang aming natanggap. Salamat sa pagkain na nasa aming harapan na nawa'y inyong biyayaan para magbigay sa amin ng lakas. Sa araw na ito, masayang-masaya ako kasi pupunta na kami sa simbahan ng sama-sama at sabay kaming magsamba sa Iyong ngalan. Salamat po. Sa ngalan ni Hesus, Amen.

“Sige na, kainan na!!!” sigaw ng mabibo kong Mama.

Nang umagang iyon ay nasilayan ko sa mukha ng aking pamilya ang saya na hindi lang sa labas kundi sa puso. Dahil ito sa biyaya na ibinigay ng Poong Maykapal at dahil sa kanyang walang sawang pagmamahal sa aking pamilya na siyang nagdulot ng pagkakaisa na sambahin namin siya sa puso, sa isip at sa gawa.



-S.M.T.A. (2015)

Buhay Ko’y Bukas na Bibliya Mo

Noong May 2007, lubos kong nakilala ang Paniginoon kung sino talaga Siya. Hindi ko matandaan kung anong petsa iyon pero ni minsan hindi nawaglit sa aking isipan kung ano ang nangyari sa araw na tinanggap ko ang Panginoon bilang aking Diyos at Tagapagligtas. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapa-iyak dahil sa matinding emosyon. Talagang abot-langit ang saya na aking nadarama ng mga araw na iyon dahil may isinagawa ang aming simbahan na isang Youth Camp at ang tagapagsalita nang gabing iyon ay nagmensahe tungkol sa paksa na ang bawat pangyayari ay may kadahilanan. Doon ko napagtanto na kahit sa panahing iyon na may dinadala akong malaking problema, may Diyos pala sa langit na Siyang nagko-kontrol sa lahat ng bagay at laging handa sa bawat segundo, minuto at oras upang tumulon sa aking mga suliranin.

Noong May 2007, inalay ko ang aking buhay sa pagsisilbi sa Panginoon at pinangako ko sa Kanya na Siya lamang ang kailangan kong sambahin at paglilingkuran ko habangbuhay. At dito nagsimula anhg aking pagbabago. Naging masigla ako sa bawat aktibidades ng aming simbahan at nagpasyang makilahok sa bawat pagtitipon upang mapalago ang aking buhay bilang isang Kristiyano. Ang Bibliya din ang siyang naginhg gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay dito sa mundong ibabaw. Sa puso't isip ko itinatanim ang bawat salita na aking nabasa sa Bibliya. Hindi lang ito nanatili sa loob kundi ipinamalas ko din sa iba kung ano ang nalalman ko tunkol sa Panginoon at gaano ko Siya kamahal higit sa buhay ko.

Dumating din sa punto na sinabi ko sa Panginoon na mag-aaral ako sa isang seminaryo upang maging isa sa kanyang mga alagad. Kahit mahirap ay kailangan kong lunukin ang mga pagkukutya ng mga tao sa akin dahil pinili ko nasundin Siya imbes ang aking sarili. Sa loob ko alam ko na tama ako sa desisyon ko dahil talagang nararamdaman ko na ako ay tinawag Niya sa isang napakahalagang misyon at ito ay ang pagiging Kristiyanong magtuturo. Gusto kong maging isang instrumento sa mga taong sa mga taong hindi pa nakakilaala kay Kristo at dalhin sila sa paanan Niya. Hangad ko idin na ang nga taong napasahan ko sa Magandang Balita ay maipasa naman nila ito sa iba upang maipalawak ang Kaharian ng Diyos dito sa sanlibutan.

~S.M.T.A (2015)

Bilang isang Kristiyano, gusto kong maging isang magandang ihemplo sa puso, isip at gawa. Kailangan kong isaisip at isapuso na nandito ako sa mundong ibabaw hindi gusto kong mapaglingkuran kundi dahil gusto kong makapaglingkod dahil higit sa lahat, ito ay makapagpapasiya sa Panginoon. Kung saan Siya masaya susuportahan ko Siya hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Ang Buhay-Estudyante


Ang buhay-estudyante ay hindi madali. Ito ay nangangalangan ng sapat na dedikasyon at determinasyon upang makapagtapos sa pag-aaral. At higit sa lahat, kailangan ang pagtitiwala sa Diyos upang makamit ang ambisyon sa buhay.
Para sa akin, bilang isang estudyane marami akong mga pangarap. Mga pangarap na gusto kong makamtan sa hinaharap. Sadyang napakahirap ang buhay bilang estudyante kung wala kang kaakibat, kaagapay at kabalikat na Siyang sa iyo ng lakas, talino at pag-asa sa bawat araw na ginugugol ko sa paaralan. Ito’y walang iba kundi ang Poong Maykapal. Nag-aaral ako ngayon sa BTC hindi para s akin kundi para sa Panginoon. Kung noon ay puro lang sarili ang aking iniisip, ngayon ay nagbago na. Ginagawa ko para sa kaluwalhatian ng Panginoon. Kahit anumang pagsubok ang darating alam ko na makakaya ko kasi ang laban ko ay laban din ng Panginoon. Kampante ako na matatapos ko ang nasimula ko dito sa BTC dahil sigurado ako na tinawag ako ng Diyos upang mag-aral ako dito sa BTC para mahasa ako sa mga bagay-bagay na dapat ko pang matutunan para mapaglingkuran ko Siya na may angking talino at galing na magsisilbing instrumento upang maipamalas ko sa iba kung sino si Kristo na aking sinasamba at kung ano Siya sa buhay ko bilang isang Kristyano.
Sa ngayon, marami pa akong nga pagsubok na kailangan kong lampasan at mga responsibilidad na kailangan kong panindigan. Mas dapat ko pang higpitan ang pananalig ko sa Maykapal dahil alam ko at naniniwala ako na Siya lang ang kaisa-isang nabubuhay na kailanman ay hindi ako itatakwil kahit anuman ang mangyayari. Panatag ang loob ko na sa bandang huliako ang panalo at makakapagtapos din ako sa pag-aaral. Matapos man ako sa pag-aaral ay hindi ito ang magiging katapusan sa pagsisilbi ko sa Panginoon dahil ito ay panghabangbuhay. Ang pag-aaral ko ngayon at ang buhay ko sa hinaharap ay inilaan at iniaalay ko na para kay Kristo dahil ako ay para sa Kanya at Siya ay para sa akin.                                                                                                                     -S.M.T.A. (2015)

*Photos taken with my Thai students during my summer internship*

O Ruby, Layuan Mo Kami



Papalapit pa lamang ang bagyong ‘Ruby’ na kaputol ng pusod ng bagyong Yolanda, ito na ang sigaw sa puso sa mga lugar na posibleng makakatikim sa hagupit nito, O Ruby, layuan mo kami! Wala ni isa man ang may hindi bahag ang buntot na humanap sa bagyong maghahasik ng lagim sa bansa natin.

Talagan namang puspusan ang paghahanda ng mga Pilipino bago pa man dumating ang kasalukuyang bagyo. Atat na atat na ang mga taong pumunta sa kani-kanilang suking mall at grocery maka-imbak man lang ng pagkain sa bawat tahanan nila. Ito’y upang hindi sila maging basang-sisiw sa pagdating na parang kumukulong dugo ng bagyong nagngangalang ‘Ruby.

Datapwat ang katotohanan, ang matinding paghahanda ay hindi seguridad upang ang kalamidad ay lumayo sa mga lugar na punterya ng naturang bagyo. Ngunit ang sabi ng mga nakararami,” Mabuti na ang maghanda, kaysa sa huli ay magmukhang kawawa.”

At nang dumating ang bagyong Ruby na talagang inaasahan ng karamihan ay mangilan-ngilan din ang mga taong maagang pumunta sa kanilang huling hantungan. Dahil sa puspusang paghahanda ng bawat Pilipino ay nabawasan ng katamtamang porsyento ang mga ari-ariang nasalanta ng bagyo at gayundin ang mga buhay na napalapit sa bingit na kamatayan.

Talaga namang hindi tayo pinabayaan ng Poong Maykapal dahil kahit butas ang bulsa o bulanggugo ka man ay pantay ang atensyon na Kanyang ibinigay. May mga taong nasalanta man sa hagupit ng bagyong ‘Ruby’ ay dapat na isaisip natin na, “Sa bawat bagyo na daraan, may bahaghari na magpapakita sa kalangitan”. 

 -S.M.T.A. (2015)

The Indolence of the Filipinos



This article authored by Jose Rizal, our national hero, served as a springboard to express his deepest sentiments and to show his great concern about his fellow Filipino citizens being considered as indolent by Spaniards during their regime in the Philippines. In this said article, he revealed about his viewpoint if indolence was really manifested in the lives of the Filipinos or just a sort of a destructive criticism. Rizal then in his very keen mind with his broader scope of observation and deep kind of realization made up a great revelation in this literary work if he would agree or not with the Spaniards about the ‘indolent’ term they used to call the Filipinos. Glad that I have read this work of Rizal because this really adds to my limited knowledge about the picture of life that the Filipinos had before and during the Spanish colonization in the country. This also grabs my attention as it included the countries who were involved in money-making with the Filipinos, being capable to produce goods and services that were in demand in the market world in the past regardless of their simple status in life. I am also impressed about their knowledge about hierarchical government system before and how the native Filipino people lived a very fruitful, peaceful and harmonious life before Spanish regime 

I have bunch of things I can agree with this Rizal’s literary piece. First, Rizal wanted to impress the idea that Spaniards were the true indolent during their rule in the Philippines. I was very hurt with the fact that the Spanish authorities were so abusive to the wealth and possessions owned by the Filipinos. During the Spanish era, as Rizal mentioned in his article that they just spent few hours of work, received money with less effort, and had been too much dependent to Filipinos to earn their living. They were lazy to think and act what they ought to. 

Another thing I have agreement with in this article is the thought that if the Filipinos then became indolent, the Spanish authorities were to be blamed. The Spaniards were the ones who taught the Filipinos not to strive more. Even in the area of education, they didn’t give the Filipinos a chance to learn more because of their fear that the Filipinos could overpower them. In this article, it also included the fact that Filipinos in the Pre-Spanish era had knowledge already how to tilt a land and to produce crops suitable for the climate. Filipinos then had never been taught about that and they had just learned it by themselves and together with their hard work too they had produced a lot of crops, so why then Spaniards called them indolent? The third thing I agree with this article is that indolence grew more in the lives of the Filipinos because of the crookedness and instability of the Spanish governance, their maltreatment among the Filipinos, exercising racial discrimination to brown-skinned Filipinos, and not granting them rights to cultivate their God-given potentials, talents, and abilities. Instead, the Spaniards became selfish of their powers and greatly impacted a malady of indolence to the Filipino people under their oppressive powers. 

Due to this article, my mind is stirred up and my heart is greatly overwhelmed about the past condition of the Filipinos before. This literary work of Rizal serves as an eye-opener to me and that now I have learned to be more thankful for the liberty that the government has been granted to me at this present time. I highly recommend this article to be read by every Filipino because it could make you aware what had happened in the past and for us to look back where we had come from. As we look back upon the wounds in the past being inflicted to our Filipino forefathers who had experienced Spanish brutality, let us rather choose to see the good side of that certain event. Let us lay aside all the negatives we had in the past and foresee the positives that lie ahead in front of us, as we can learn to move on and move forward to a brighter future.

~ S.M.T.A (2015)

Sa Iyo

Gusto kong sabihin sa Iyo
Na ikaw ang pipiliin ko
Ikaw ang Diyos na sasambahin
At aking mahahalin
Sa buong buhay ko.

Koro:
Sa Iyo ang buhay ko'y nagbago
Ang pag-ibig ko sa Iyo'y totoo
Hindi ito mabibili ng kung ano
Mananatili ito gumuho man ang mundo.

Gusto kong sabihin sa Iyo
Ikaw ang nagsilbing gabay
Sa buhay ko noong walang saysay
At sa Iyo, buong tiwala ako
Na hindi ako maliligaw.

Katapusan: 
At sa ngayon ang aking dasal
Na hindi kita ipagpapalit kaninuman
Ikaw ang aking buhay
Kaya wala akong dahilan
Na ang pag-ibig ko sa Iyo ay mamamatay.

S. M. T. A.
01-05-15

Ang Usa at ang Leon

Isang araw ay namamasyal si Usa sa isang mapusok at masukal na gubat. Napakasaya niya ng araw na iyon kasi talagang nabusog siya sa kanyang tanghalian at parang hindi na mapaglagyan ang kanyang tiyan.
“Lalala..lala...Ako’y busog talaga!!!...Lalala..lala....ako’y busog na busog na!!!....Brrrp....hahaha....talagang busog na ako ano?” kausap ni Usa sa sarili.
At sa kanyang paglalakad ay nakakita ng isang malaking puno na singtaas ng Eiffel tower sa Paris. At dahil sa kanyag kabusugan ay naisipan niya munang magpahinga ng bonggang-bongga.
“Hahay...magpahinga muna saglit dito sa ilalim ng puno para makapag-ipon ako ng panibagong lakas at makakain ulit. Hahaha-haha!!!”, tawa ni Usa.
 Makalipas ang ilang mga sandali at bago pa man siya nakapagpahinga ng tuluyan ay parang naramdaman niya na may isang mabangis na hayop na paparating sa kanyang kinahihigaan. At kahit gusto pa niyang ipikit ang kanyang nanunuksong mata ay pinillit niya itong buksan. At nagulat na lang siya sa kanyang nakita sa harapan niya. At biglang tumindig ang kanyang balahibo hind dahil nakakita siya ng isang multo kundi dahil halos malapit na sa katawan niya ang malaking bunganga ni Leon, ang hari ng kagubatan. Halos hindi niya magalaw ang kanyang katawan na parang naging bato na at talagang nangininig siya sa takot. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Ngunit ilang sandali lamang ay may naisip siyang solusyon na hindi pa nadiskobre ng panahon.
“Ay, alam ko na!” saglit na bulong niya sa kanyang sarili.
“Leon, teka muna! Mag-ingat sa paggamit ng iyong bunganga dahil baka mapano ka!” agad na sabi ni Usa bago pa siya maging tangahalian ni Leon at malapa sa mga kamay nito.
“Huh?” takang-taka na sagot ni Leon at hindi niya tuloy nagawa ng kanyang plano dahil gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ni Usa.
“Alam mo ba na kung ako ay tinuloy mong kinain kanina ay siguradong mamatay ka dahi matitinik ang iyong lalamunan”, paliwang naman ni Usa.
“Bakit naman?” paliwanag naman ni Usa.
Dahil itong aking paa ay mayroong malaking tinik. Ang gusto ko lamang ay kunin mo muna ang tinik sa aking paa upang ang iyong buhay ay hindi malagay sa alanganin at saka mo ako kainin,” sagot naman ni Usa na talagang nagdidiskarte, maligtas lamang ang kanyang buhay.
Nag-isip ng malalim ang Leon at sa ilang minuto ay napagdesiyonan niya na kunin na muna ang tinik sa paa ni Usa upag hindi malagay sa panganib ang buhay niya.
“O sige na nga, kukunin ko na..,”sang-ayon naman ni Leon na walang kaalam-alam na may maitim na balak pala si Usa.
At agad naman na humiga si Usa at tinaas ang paa na may tinik daw.
“Saang banda ka natinik?” tanong ni Leon habang masusing hinanap ang tinik sa paa ni Usa.
Sumunod naman si Leon sa kanya at talagang malapit na malapit na ang kanyang mga mata sa natinik na paa ni Usa, ayon sa kanya. Si Usa naman ay nagbilang sa kanyang sarili ng isa, dalawa, tatlo at pagkatapos ay ibinuhos niya ang kanyang buong lakas na sipain ang mukha ni Leon.
“Uhhhhh!!! Ang mata ko!!!Uhhhh!!! Hindi ako makakita. Walang hiyang Usa ka!!!” sigaw ni Leon na halos namimilipit sa sakit dahil sa grabeng pagkakasipa ni Usa sa kanya.
At si Usa naman ay dali-daling tumakbo palayo habang tumatawa-tawa dahil nalinlang niya ang mabagsik na Leon ngunit mangmang naman. Pasalamat siya dahil nakakain na siya ng tanghalian at nabuhos niya ang kanyang lakas upang mapatumba si Leon. Talagang masaya si Usa nang araw na iyon kasi busog na busog pa siya, ay natalo pa niya ang mabagsik na si Leon, ang hari ng kagubatan, at nakaya din niyang iligtas ang kanyang buhay sa bingit ng kamatayan.                                                                                                                              
Magandang Aral: Kung ang iyong buhay ay malagay sa alanganin,
                           Huminto at mag-isip, utak ay gamitin.                                        

-S.M.T.A (09.2015)