Sa panahon ng
kagipitan,
Ang Panginoon ang
malalapitan.
Tumutugon sa
bawat pangangailangan,
Siya ang Diyos na
walang pagkukulang.
Sa panahon ng
panganib,
Walang kaba sa
aking dibdib,
Siya ang aking
Tagapagtanggol kailanpaman,
Laging saki’y
nag-iiwas sa kapahamakan.
O Panginoon, Ika'y
mabuti sa akin,
Buhay ko’y
iniligtas sa alanganin.
Tinig mo’y
siguradong didinggin,
Ikaw ang Pastol na nagmamay-ari sa akin.
Sinuman ang
magtangkang buhay ko’y kunin,
Ika’y laging
handa na siya’y sagupain,
Ikaw ang Pastol
na butihin,
Kusang i-aalay
ang buhay para sa ‘kin.
~S.M.T.A
(2015)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento