Lunes, Agosto 27, 2018

Pamilya Ko’y Bukas na Bibliya Mo



Ako si Shiela. Galing ako sa pamilya Anino. Sa aking pamilya makikita ko na masaya kami. Masaya kasi nakukuha namin ang gusto namin. Datapwat sa aking musmos na pag-iisip ay nadama ko na parang may kulang sa buhay namin bilang isang pamilya. Nagtatrabaho ang ama ko sa isang kompanya at ang ina ko naman ay isang kasambahay. Anim na taong gulang pa ako noon at ako ang bunso sa tatlong magkakapatid . Kahit bata pa lang ako ay natutuhan ko na kung gaano kaimportante ang magsimba. Sa tuwing araw ng linggo ay sabik na sabik akong maligo, magbihis, at magpunta sa simbahan. Nalulungkot ako kasi ako at ang ate ko lang na pangalawa ang palaging nagsisimba. Minsan lang magsimba ang aking ina, ang aking ama at ang panganay ko na Ate. Isang araw ay inimbitahan ko sila.

“Mama, magsimba na tayo,” paanyaya ko.

“Kayo na lang at ng isang kapatid mo anak kasi may gagawin pa ako dito sa bahay,” sagot ng aking ina.

“Ikaw, Papa, gusto mo bang magsimba kasama ni ate”, tanong ko naman kay Papa.

“Alam mo anak, ayokong magsimba sa Katoliko kasi hindi ako naniniwala sa tradisyon nila,” sagot naman ni Papa.

Sa aking kamusmusan ay hindi ko nakuha kung ano ang gustong sabihin ni Papa. Nasa unang baitang palang ako ay nadama ko na ang lungkot sa pamilya na hindi nagsasama sa pagsimba. At dumating ang araw na nagdasal ako sa Panginoon.

“Panginoon, sana po ay magsasama na kami sa pagsimba ng pamilya ko,” ang dasal ng anim na taong gulang na si Shiela.

Makalipas ang ilang mga buwan ay dininig din ng Panginoon ang dasal ko. Nagbakasyon ang tito kong Pastor sa aming bahay. Ang tito ang siyang ginamit ng Panginoon na maging instrumento upang magkaroon kami ng pagkakaisa na igalang ang Araw ng Linggo at ilaan ang araw na ito sa pampublikong pagsamba sa Panginoon. Lumipat kami sa ibang relihiyon kasi ang sabi ng Papa ko na kailangan daw naming maging bahagi sa isang simbahan kung saan tumatayo sa kung ano ang sinasabi sa Bibliya. Isang araw ay nakipag-usap ako sa Panginoon.

“Panginoon, kaya pala ayaw na magsimba nila sa Katoliko ng halos ng buong pamilya ko ay dahil pala sa kanilang paniniwala na kailangan pang dasalan ang mga santo para sila na ang magsasabi sa Iyo. Akala ko na okey lang humalik sa mga rebulto at larawan at lumuhod sa kanila. Talagang nagsisisi ako sa aking mga nagawang kasalanan,” dasal ko sa araw na iyon.

Mula sa araw na iyon ay naging totoong Kristyano na kami. Sinabi ko na totoo kasi para sa akin si Kristo ang aming sinasamba hindi na ang mga rebulto. At masayang-masaya na ako sa aking pamilya kasi sa tuwing sasapit na ang Linggo ay ito na ang mangyayari.

“Bangon na mga anak!!! Magsisimba na tayo, “gising ng Papa ko sa amin.

“Opo...saglit lang,”sambit ko naman.

“Ate Che-che! Ate Ai-ai! Bangon na tayo kasi magsisimba na daw,” gising ko naman sa dalawa kong panganay na magkakapatid.

“Mga anak, halina kayo at kakain na. Naghanda ako ng almusal para maaga tayo sa simbahan ,” tawag naman ni Mama sa amin.

“Halina kayo...”sabi naman ni Ate Che-che sa akin at ni Ate Ai-ai.

Pagkatapos ay nag-uunahan kami sa mesa. Kakain na sana kami pero may nakalimutan pala na importanteng gagawin bago kumain.

“Kailangan na muna nating mag-dasal, mga anak,” sabi ni Papa.

“Oo nga,, nakalimutan natin na magdasal muna sa Panginoon,” dugtong naman ni Mama.

“Ay, sori po!...,” sabay naming sagot ng magkakapatid.

“O sige, magdasal na tayo,” sabi ni Papa at iniyuko ang kanyang ulo.

“Papa, saglit lang. Gusto ko pong humingi ng pabor,”sambat ko naman.

“Ano iyon, anak?” sagot ni Papa.

“Okey lang po sa inyo na ako ang magdadasal?,” paghingi ko ng pabor sa aking pamilya.

“Marunong ka palang magdasal anak?”tanong ni Mama.

“Oo naman. Alam niyo po ba na palagi ko kayong dinadasal na sana ay gabayan kayo ng Panginoon?” pagpapatunay ko naman.

“Wow! Ang bait naman,” sabi ni Ate Ai-ai.

“Alam niyo bang dininig ng Panginoon ng isa sa mga dasal ko?” ang balita ko.

“Ano iyon?” tanong ni Ate Che-che.

“Ito ay ang magsasama-sama tayo sa na magsimba sa Panginoon lalo na sa Araw ng Linggo. Talagang napakasaya ko sa araw na ito kasi gumawa ang Panginoon ng paraan upang mabigyan ng katuparan ang matagal ko ng hinihintay,” halos mangiyak-ngiyak ko na pagkasabi.

“Salamat anak, o sige na magdasal ka na para sa pagkain natin,” putol ng aking ina sa aking pagsasalita na may galak sa mukha.

“O sige po...Panginoon, salamat sa ibinigay na araw na ito. Salamat sa mga biyayang aming natanggap. Salamat sa pagkain na nasa aming harapan na nawa'y inyong biyayaan para magbigay sa amin ng lakas. Sa araw na ito, masayang-masaya ako kasi pupunta na kami sa simbahan ng sama-sama at sabay kaming magsamba sa Iyong ngalan. Salamat po. Sa ngalan ni Hesus, Amen.

“Sige na, kainan na!!!” sigaw ng mabibo kong Mama.

Nang umagang iyon ay nasilayan ko sa mukha ng aking pamilya ang saya na hindi lang sa labas kundi sa puso. Dahil ito sa biyaya na ibinigay ng Poong Maykapal at dahil sa kanyang walang sawang pagmamahal sa aking pamilya na siyang nagdulot ng pagkakaisa na sambahin namin siya sa puso, sa isip at sa gawa.



-S.M.T.A. (2015)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento