(Adaptation from
Rizal’s poem:
Through Education
Our Motherland Receives Light)
Bata pa lang ako, marami na akong mga pangarap sa
buhay
Gusto kong matulungan sina Nanay at Tatay
Sabi nila, edukasyon daw ay makapagbibigay
Ng katuparan sa mga hangarin ko sa buhay
Sa lipunan di’y maibabahagi ang makakamit na tagumpay.
Kaya sa aking pag-aaral baon ko ang payo ng mga
magulang
Subsob sa pag-aaral, upang marating ang buhay na
inaasam-asam
Datapwat, dumating ang araw na ang payo ni Ama’t Ina’y
nalimutan
Ang pagpapahalaga sa edukasyon ay pinagwalang-bahala
na lamang
Ako ay nadala sa masamang impluwensya ng mga kaibigan.
Sa edad na dose, may dala ng bata sa sinapupunan
Ako ay nabuntis nang wala sa kapanahunan
Ama ng anak ko’y ewan ko ba kung nasaan
Edukasyon pa ay nadamay sa aking kagagahan
Ako ay naiwanan na puno ng pagsisi at pagdaramdam.
Sa tulong ng Diyos ako ay nabigyan ng pag-asa
Kalinga ni Ina at Ama ay pinabalik niya
Sila ang naging katuwang sa pagpapalaki ng anak na
siyang bunga,
Sa aking pagtakwil sa edukasyon, Mga pangarap ko ba’y
maaabot pa?
Kung ako sana’y nakinig sa payo ni Ina at Ama,
Na ang sabi’y, “Anak, mag-aral ka muna. . .”
-S.M.T.A.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento