Isang
araw ay namamasyal si Usa sa isang mapusok at masukal na gubat. Napakasaya niya
ng araw na iyon kasi talagang nabusog siya sa kanyang tanghalian at parang
hindi na mapaglagyan ang kanyang tiyan.
“Lalala..lala...Ako’y busog
talaga!!!...Lalala..lala....ako’y busog na busog
na!!!....Brrrp....hahaha....talagang busog na ako ano?” kausap ni Usa sa
sarili.
At sa kanyang paglalakad ay nakakita ng isang malaking
puno na singtaas ng Eiffel tower sa Paris. At dahil sa kanyag kabusugan ay
naisipan niya munang magpahinga ng bonggang-bongga.
“Hahay...magpahinga muna saglit dito sa ilalim ng puno
para makapag-ipon ako ng panibagong lakas at makakain ulit. Hahaha-haha!!!”,
tawa ni Usa.
Makalipas ang
ilang mga sandali at bago pa man siya nakapagpahinga ng tuluyan ay parang
naramdaman niya na may isang mabangis na hayop na paparating sa kanyang
kinahihigaan. At kahit gusto pa niyang ipikit ang kanyang nanunuksong mata ay
pinillit niya itong buksan. At nagulat na lang siya sa kanyang nakita sa
harapan niya. At biglang tumindig ang kanyang balahibo hind dahil nakakita siya
ng isang multo kundi dahil halos malapit na sa katawan niya ang malaking
bunganga ni Leon, ang hari ng kagubatan. Halos hindi niya magalaw ang kanyang
katawan na parang naging bato na at talagang nangininig siya sa takot. Hindi
niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Ngunit ilang sandali lamang ay may
naisip siyang solusyon na hindi pa nadiskobre ng panahon.
“Ay, alam ko na!” saglit na bulong niya sa kanyang
sarili.
“Leon, teka muna! Mag-ingat sa paggamit ng iyong
bunganga dahil baka mapano ka!” agad na sabi ni Usa bago pa siya maging
tangahalian ni Leon at malapa sa mga kamay nito.
“Huh?” takang-taka na sagot ni Leon at hindi niya
tuloy nagawa ng kanyang plano dahil gusto niyang malaman kung ano ang ibig
sabihin ni Usa.
“Alam mo ba na kung ako ay tinuloy mong kinain kanina
ay siguradong mamatay ka dahi matitinik ang iyong lalamunan”, paliwang naman ni
Usa.
“Bakit naman?” paliwanag naman ni Usa.
Dahil itong aking paa ay mayroong malaking tinik. Ang
gusto ko lamang ay kunin mo muna ang tinik sa aking paa upang ang iyong buhay
ay hindi malagay sa alanganin at saka mo ako kainin,” sagot naman ni Usa na
talagang nagdidiskarte, maligtas lamang ang kanyang buhay.
Nag-isip ng malalim ang Leon at sa ilang minuto ay
napagdesiyonan niya na kunin na muna ang tinik sa paa ni Usa upag hindi malagay
sa panganib ang buhay niya.
“O sige na nga, kukunin ko na..,”sang-ayon naman ni
Leon na walang kaalam-alam na may maitim na balak pala si Usa.
At agad naman na humiga si Usa at tinaas ang paa na
may tinik daw.
“Saang banda ka natinik?” tanong ni Leon habang
masusing hinanap ang tinik sa paa ni Usa.
Sumunod naman si Leon sa kanya at talagang malapit na
malapit na ang kanyang mga mata sa natinik na paa ni Usa, ayon sa kanya. Si Usa
naman ay nagbilang sa kanyang sarili ng isa, dalawa, tatlo at pagkatapos ay
ibinuhos niya ang kanyang buong lakas na sipain ang mukha ni Leon.
“Uhhhhh!!! Ang mata ko!!!Uhhhh!!! Hindi ako makakita.
Walang hiyang Usa ka!!!” sigaw ni Leon na halos namimilipit sa sakit dahil sa
grabeng pagkakasipa ni Usa sa kanya.
At si Usa naman ay dali-daling tumakbo palayo habang
tumatawa-tawa dahil nalinlang niya ang mabagsik na Leon ngunit mangmang naman.
Pasalamat siya dahil nakakain na siya ng tanghalian at nabuhos niya ang kanyang
lakas upang mapatumba si Leon. Talagang masaya si Usa nang araw na iyon kasi
busog na busog pa siya, ay natalo pa niya ang mabagsik na si Leon, ang hari ng
kagubatan, at nakaya din niyang iligtas ang kanyang buhay sa bingit ng
kamatayan.
Magandang
Aral: Kung ang iyong buhay ay malagay sa alanganin,
Huminto at mag-isip, utak ay gamitin. -S.M.T.A (09.2015)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento